ABYG kasi nag-walkout ako sa family dinner ng bf ko?

3 days ago, ininvite ako ng kapatid ng bf ko for dinner, nabanggit nya na kasama tatay nila (kakauwi lang ng ibang bansa). Yung tatay nya, mainit talaga ang dugo saakin, nung nililigawan pa nga lang ako ng bf ko tumututol na siya. Walang ibang babae na hadlang sa relationship namin na boto yung tatay nya, wala as in, pero ayaw sakin ng tatay nya at di ko rin alam kung bakit. Btw, 27F ako, 29M siya.

Nung time na nag-dinner kami, pinaka-unang sinabi ng tatay nya saakin is "akala ko ba wala na kayo nyan?" na parang wala lang ako sa table na yun. Sinabi ng bf ko sa tatay nya na sinagot ko na siya, and we've been dating for years na. Iba na usapan nila ng fam nya after that, pero bago pa kami matapos kumain, sabi nya bakit daw ba ako sinama pa eh family dinner nga raw, wala raw ba akong sariling pamilya. Duon na ako napuno, sinabi ko sa bf ko na magccr lang ako, pero patulo na luha ko sa galit. Dinala ko bag ko at umuwi diretso sa bahay. Chinat ko naman bf ko pag-uwi ko, pero hanggang ngayon di ko pa nasasabi sakanya na nag-walkout ako nang dahil sa tatay nya.

I get this feeling na ako yung gago dahil sa pag-handle ko sa sitwasyon na yun.