ABYG kung nagsasalita ako pabalik sa papa ko kapag minumura niya ako?
For context, sobrang hot tempered ng tatay ko to the point na kapag hindi ka kaagad nakakilos kapag may inuutos siya sasabihan ka agad niya ng "Gago ka, Putangina ka, Yawa, Bobo ka, etc.". Siyempre nasasaktan ako kapag sinasabihan niya ako ng ganyan. And of course there are times that I can't help to talk back sa kanya lalo na kung hindi ko na talagang kayang pigilan.
Palagi tong nangyayari. Everyday talaga depende lang kung morning, afternoon, o sa gabi. Yung pagka hot tempered niya kasi wala sa lugar. Maliliit na bagay dapat masunod kahit siya yung mali magbigay ka lang ng opinyon o sabihan siya na mali ginagawa niya, ikaw pa rin ang masama. Nakakainis na talaga. Naiiyak nalang ako sa frustration. Gusto ko na ngang umalis dito sa bahay ngayong mag co-college na ako.
Minsan sa sobrang sakit, hinaluan pa ng inis nasasabihan ko rin siya ng mga bad words na sa kanya ko lng rin natutunan. Kahit yung 5 year old sister ko sinasabihan niya ng ganiyan. Minsan sa kwarto kapag nagsisimula nanaman siya sinasabihan ko nalang ang sarili ko na "Ayos lang yan, aalis ka rin naman dito sa bahay" Ako ba yung gago sa mga ginagawa ko? Hindi ko na talaga kaya. Palagi nalang kaming nagsisigawan dito sa bahay dahil sa bibig niya.
Ilang beses ko na siyang sinabihan na hindi naman ako magsasalita pabalik kung hindi siya ganiyan magsalita sa akin. I don't even talk back to my mother kasi sobrang bait niya sa akin. Sobrang sakit lang na kapag nagagalit ako kasi nagsasalita nanaman siya ng hindi maganda, sinasabi niya na hindi naman daw ako kulang sa aruga, pinapakin naman daw ako araw-araw, hindi naman daw ako sinasaktan (Physically), eh bakit daw ako ganito sa kaniya. Nakakatawa lang na physical pain lang ang alam niyang definition ng sakit. Hindi naman ako bobo para hindi malamang verbal abuse na to.
Hindi din siya nagpapasalita sa mga mali niya. Kapag sinasabihan na siya ni mama na mali ang ginagawa niyang parenting, sinasabi niya agad na kaya daw kami nagkaganito kasi dinedepensahan kami ni mama kahit na ang totoo dahil lang naman yun sa kung paano siya magsalita.
Sobrang haba na ata nito hahaha. Sarap ng umalis dito sa bahay.
Ako ba yung gago kung minsan nasasabihan ko din si papa ng hindi magagandang salita? Na gusto ko nang umalis dito sa bahay?