ABYG kasi di ko kinuha ang tiyuhin ko na karpentero
ABYG kasi di ko kinuha yung tito ko (asawa ng tita ko at 1st cousin ng mama ko) na trabahador sa renovation ng bahay ko?
Eto ang background, mula pagkabata ko eh lagi na kaming nagbibigay sa pamilya ng tita ko. As per my mom, mula kinasal at nagkapamilya ang tita at tito ko eh nakadepende na sila sa amin.
Cut the story short, nagpaparenovate ako ngayon ng bahay ko and hindi ko kinuha ang tito ko na trabahador. Kinuha ko mga iba pang kamag-anak namin na mas maabilidad at mas responsable na karpentero. Hindi kasi ganun kadali maglabas ng pera sa mga trabahador tapos di maganda ang output sa work. Nung nagpapabakod kasi ako, kinausap ako ng tita ko na kunin ang tito ko na trabahador kasi para daw may income sila. Since naawa ako, kinuha ko siya.
Pero naging sakit ng ulo ko ang tito ko kasi aside from papasok sya sa oras na gusto nya, nagiging pasimuno din sya ng inuman sa ibang karpentero kahit di pa tapos ang pinagusapang working hours. Sa sobrang inis ko kasi may hinahabol din akong oras at ayaw kong masayang kada sentimo ng pinaghirapan ko, di ko na kinuha ang tito ko as isa sa mga karpentero kahit ilang beses nakiusap ang tita ko sa akin.
Even my parents, inayawan na rin nila ang tito ko. Sa ngayon, hindi ako pinapansin ng buong pamilya ng tito ko. Kesyo nag-iba na daw ang ugali ko mula nung nagkapera daw ako.
ABYG dahil sa mas iniisip ko ngayon maging praktikal kesa isipin ang pagiging relatives namin?