MEDICAL CANNABIS LEGILAZATION
Isang malaking tagumpay para sa buong komunidad ng mga pasyente at advocates ang bawat hakbang pasulong sa pagsasabatas ng MedCann bill sa bansa!
Noong February 5, ang huling araw ng Session ng Senado bago ang adjournment, ay muling sinalang sa interpellation ang Senate Bill No. 2573 o ang panukalang Cannabis Medicalization Act of the Philippines. Sa record ng plenaryo, nakalista pa para mag-interpellate sina Sen. Win Gatchalian, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Pia Cayetano, Sen. Joel Villanueva at Sen. Risa Hontiveros. Matapos ang period of interpellation, ay idadaan muli ang SB No. 2573 sa period of amendments, kung saan ang mga indibidwal na panukalang pagbabago ng mga Senador sa probisyon ng batas ay maaring i-adopt o hindi ni Sen. Robinhood Padilla bilang main author. Matapos ang period of amendments, ay kailangang aprubahan ng plenaryo ang SB No. 2573 sa Second Reading.
Ang pinal na porma ng SB No. 2573 ang siya namang aaprubahan ng plenaryo ng Senado sa Third Reading. Matapos nito, bubuuin na ang Bicameral Conference Committee na mag-reconcile ng magkakaibang probisyon ng SB No. 2573 at ang House Bill No. 10439 o ang Access to Medical Cannabis Act na naunang pinasa ng Kongreso. Ang komite ring ito ang maglalabas ng pinal na bersyon ng MedCann bill na ipapadala sa Pangulo - para pirmahan bilang batas, o i-veto at ibalik sa Kongreso ang mga tinututulang probisyon, o kapag sa loob ng 30 araw ay hindi inaksyunan ng Presidente, ito ay automatic na magiging isang batas.
Sa kalendaryo ng 19th Congress, babalik ang Senado sa June 2 to June 13, 2025. Ito ang huling dalawang linggo para tapusin ng mga Senador ang kanilang interpellations, ipasok ang kanilang amendments, at ipasa ng plenaryo hanggang sa Third Reading.
Sa kabila ng matinding pihit ng malalaking politikal na issue sa bansa, sa gitna ng tumitinding kahirapan at krisis, lumalalang korapsyon sa gobyerno, ang patuloy na pagpapatupad ng estado ng kampanya kontra-droga sa mga komunidad, at ang papalapit na eleksyon sa Mayo - mahusay at malakas pa rin na naitambol at naikampanya ng buong komunidad ang pangangailangan ng kagyat na pagsasabatas ng MedCann bill. Buong siglang tumugon ang komunidad kasama ang mga alyado at taga-suporta - binaha ng comments ang Facebook page ng Senado, nag-mass email at cold-calling sa mga opisina ng mga Senador.
Isa muli itong patunay na tanging sa organisado at kolektibong pagkilos nating mga pasyente, magsasaka at nagtatanim, IPs, propesyunal, artista, advocates at grassroots communities - makakamit ang tagumpay tungo sa inaasam na pagbabago. Tayo ang gagawa ng kasaysayan, tangan ang panawagan para sa access sa ligtas at abot-kayang halamang gamot para sa mga Pilipino.
Hindi pa tapos ang laban para sa MedCann bill ngayong 19th Congress. Patuloy tayong mag-iingay ngayong eleksyon at aktibong susuporta sa mga kandidatong may malinaw na plataporma para sa MedCann. Sisiguraduhin natin na mula ngayon hanggang sa pagbabalik ng session ng Senado sa Hunyo, isa ang SB No. 2573 sa kanilang mabilis na aksyunan at aprubahan.
Pass SB No. 2573! Safe and affordable access to medical cannabis now!
Nasa atin ang tagumpay! Gamot ang cannabis! Pilipinas naman!
Atty. Henrie F. Enaje MedCann Philippines / CannaLegalPH
Larawan kuha noong People's March for Cannabis SONA 2022