Working mom struggling to finish graduate school

Problem/Goal: Good day! Need ko po ng advice since I’m struggling with my mental health right now. I’m a teacher currently preparing for the comprehensive exam of my masters degree program this coming March. The problem is ako lang yung bantay sa 2-year old toddler ko and hindi ako nakakapagfocus. May yaya naman pero stay out lang so pagdating ko after work, uwi na sya. My husband works in Manila and my mother and sister live in abroad whereas nasa province kami so in other words wala ako mahihingan ng tulong. I’m contemplating if iiwan ko ba muna sa in-laws ko yung anak ko (which is in another province 4-5 hours away) or ipupunta muna sa asawa ko habang nagrereview ako. Nasasaktan akong isipin na malalayo sakin yung anak ko pero hindi ko na talaga alam yung gagawin ko. Alam ko rin na baka mahirapan mag adjust yung anak ko kase sanay sya na ako lang yung kasama.

Context: Nagstart ako ng graduate school at the time na single pa and walang anak. However, I stopped for 2 years for my son. Kaya lang, need ko sya tapusin before my 7-years residency or else uulit na naman. Going back, Sobrang nakakasira ng mental health yung feeling na mag isa ka lang sa mundo sa pag aalaga sa anak mo. As much as I love my son, I also need to finish my studies kahit masters lang. Honestly, may resentment ako sa husband ko kase siya lang nagdedesisyon ng gusto nya kahit alam nyang ako yung madedehado. Before sya umalis, bigla nyang inannounce na nakatanggap na sya ng job offer 2 days before ng flight nya so wala na akong chance na madigest yung situation. Our marriage is also slowly becoming toxic kase nga feeling ko binuntis lang ako tapos tinakbuhan ng responsibilidad. Imbes na pag usapan muna namin yung gagawin, nagdedesisyon siya ng kanya lang without thinking anong mangyayari sakin. Ilang beses ko nang naisip makipaghiwalay pero hindi ko magawa kase wala nga akong ibang aasahan and ako pa rin magsasuffer if ganun nga.

Previous attempts: Ilang beses ko nang pinakiusapan yung asawa ko na dito nalang siya pero parang pakiramdam nya single pa rin sya na gawin lang yung gusto niya. Ilang beses na rin ako nagself h@rm dahil sa frustration lalo na pag absent yung yaya and ako lang lahat gagawa. Pakiramdam ko may kadena ako sa paa na nakaconnect sa anak ko. Nakakabaliw talaga.