Nag-apply ako as unpaid intern sa direct client pero nag-offer sya na bayaran ako kasi unfair daw yun. Na-hire ako after 1 zoom meeting kanina (walang assessment)
Unemployed ako since 11/18/2024 dahil natapos na yung contract ko as a cashier pero nag-start na ako mag-aral ng Bookkeeping and QuickBooks prior mag-end ng contract ko. Wala akong binayaran sa course sa Intuit libre lahat ng trainings kasi nag-sign up ako sa QuickBooks for Accountants. Nag-aral din ako ng bookkeeping sa Great Learning, libre lang din. Ang binayaran ko lang na course ay yung Bookkeeping with QuickBooks sa Udemy which costs me 799 pesos. Hindi ako nagpaloko sa mga nagbebenta ng course na napakamahal.
May savings ako kaya nababayaran ko mga bills sa bahay. Aabot pa siguro ng 14 months if ever hindi ako na-employ.
Anyway, nitong January, chinallenge ko yung sarili ko na mag-direct reach out sa mga small businesses sa US. Sa Amazon ako nag simula. Chineck ko yung mga amazon choices per category at tinitignan ko yung mga product if may label na "Small Business Brand". Pag may label na ganon, nirerecord ko lahat ng contact details ng business nayon kagaya ng website link, social media pages, email, and location. Nag-dedicate ako ng 4 hours para don. Sa loob ng 4 hours nasa 25 small businesses na yung nai-record ko sa google sheet.
Next step naman na ginawa ko, in-polish ko yung linkedin profile ko at gumawa ako ng introduction video. Sabi ko sa video 1 month yung internship at wala akong hinihinging compensation for my services. Generic yung laman ng template email, basically nakasaad don yung scope ng internship links ng linkedin profile at intro video. Nag-mass apply ako via email. Nakaka-25 emails ako per day.
Apply ako ng apply for 2 weeks pero madalas ghosted, we'll get back to you, or rejected.
Iniba ko yung strategy ko. Sa yelp naman ako nagscout ng mga small businesses. Sa isang area muna ako nag-focus which is Utah County. Per category ang daming businesses lumalabas. Pinili kong maigi yung may mga label na "locally owned and operated" and/or "family owned business".
Pinili ko utah kasi more than half ng population don member ng church namin. Ginawa ko yun kasi somehow edge para magtiwala sila sa kapwa member ng church. Pero hindi ko binaggit yun na edge ko yun sa meeting namin kanina ni client. Minention ko lang kasi member din sya.
Sa lahat ng sinendan ko ng unsolicited internship application, merong isa na interested. Cleaning services yung business nya. Supposedly last week pa kami nag zoom meeting pero ngayon (02/07/25) lang natuloy kasi nalito sya sa oras.
Nasa 325 email applications ang nai-submit ko mula 01/06/25 hanggang 01/24/25. Pang 283rd application si client.
01/24 nag-respond back si client na interested sya 02/07 first zoom meeting namin
Milagro sya para sakin? Kasi generic yung mga email ko, much better pa siguro kung tailored yung email application kung binabasa ko yung "about us" sa company website.
Binagyan na nya ako ng access sa books nya at nakita ko na nasa 1k+ yung unreconciled transactions nya. Halatang need nya talaga ng bookkeeper. Inamin din nya na hindi sya expert sa field na yun. Nag-offer ako na libre yung services ko para lang magka-experience pero ayaw nya ng ganon. Hindi daw sya nainiwala sa unpaid so bayaran daw nya yung time ko para fair.
The end. Real talk po ito hehe. Hindi ko po pala sinubukan pa mag-apply sa OLJ. Saturated na kasi. 28 na po ako. Marami akong nilipatan na employer.